Kolektor utas sa dalawang holdaper

PATAY ang isang kolektor ng cellphone load matapos barilin bago tangayin ang kanyang koleksiyon ng isa sa dalawang holdaper sa Caloocan City, Lunes ng umaga, Setyembre 12.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala sa katawan si Romeo Cayanan, 53, ng Pasig St., Maypajo, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 11 ng umaga, nangongolekta ang biktima sa isang tindahan sa Zamora St., nang lapitan ng isa sa mga suspek at malapitang barilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek tangay ang P100,000 kolekta ng biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply