Kompanyang Pinoy: Oishi namamayagpag sa China

ISANG kompayang pagmamay-ari ng isang Pinoy ang patuloy na namamayagpag sa bansang China.

Ito ay ang Liwayway China Co. Ltd. Na itinatag ni Carlos Chan at kilalang taga-gawa ng Oishi.

Sa kasalukuyan ay may itinatayo itong dalawang panibagong factory sa China na nagkakahalaga ng $10 milyon ang bawat isa.

Tinatarget umano ng kompanya na makakuha ng $350 milyon sales ngayong taonna angat ng 30% sa sales nila noong nakaraang taon.

“This year, our target is at a conservative $350 million,” ayon kay Chan.

Pinag-aaralan din na mapabilang na sila sa public listings sa Hongkong Stock Exchange sa susunod na taon.

Patuloy din ang kanilang expansion sa ibang bansa kung saan inihahanda nila ang panibagong pagawaan ng Oishi products sa Cambodia at India. Matatapos at magiging operational ang mga ito bago katapusan ng taong 2011.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply