Konsehal ng Batangas kinondena ni Revilla

MATINDING kinondena ni Sen. Ramon Revilla ang pananaw ng isang konsehal sa Batangas City na nakatutulong sa paglaganap ng krimen sa kanilang lungsod ang pagpapatupad ng Mandatory Helmet Act of 2009.

“Exempting certain localities in the implementation of the law will not be a guarantee that crime incidents will decrease. We must not sacrifice the safety of our riders to cover the laxity in maintaining peace and order,” ayon kay Revilla.

Sinabi ng senador na walang ibang pangunahing susi sa pagsugpo sa krimen kundi ang matinding pagpapatupad ng batas at police visibility hindi ang suspensiyon sa implementasyon ng batas na nilikha upang tugunan ang nakakaalarmang bilang ng aksidenteng sangkot ang motorsiklo.

“The compulsory wearing of standard protective helmets of all motorcycle riders, including the backriders, is already a law, and this law must apply to all. It was crafted in order to address the alarming number of motorcycle-related accidents in the country. Let this law serve its purpose,” aniya.

Base sa report, may panukala sa Sangguniang Panglungsod ng Batangas City na ipagbawal ang pagsusuot ng standard protective helmet sa lugar.

Ayon sa naghain ng panukala na si Councilor Armado Lazarte, nakatutulong sa paggawa ng krimen ang pagpapatupad ng Mandatory Helmet Act kaya tumataas ang antas ng hindi nalulutas na kaso.

Hinihikayat niya ang senador na amendahan ang Mandatory Helmet Act upang maipatupad sa Batangas City ang “No Helmet Policy.”

“Walang katiyakan na masusugpo ang mga krimen kung ipagbabawal ang pagsusuot ng helmet; ang matitiyak natin ay malalagay sa panganib ang buhay ng mga nagmomotorsiklo. Hindi dapat na makompromiso ang kaligtasan ng ating mga riders,” patapos ni Revilla. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply