Konsehal ng Maynila nanapak ng kahero

TILA nakatikim ng mala-Manny Pacquiao na sapak ang 31-anyos na kahero nang suntukin sa mukha ng isang konsehal Maynila na kanyang siningil sa paglalaro ng golf sa Intramuros, Manila.

Halos maga pa ang kaliwang pisngi ni Luis “Louie” Mesina, cashier ng Driving Range sa Intramuros Golf Course na sinapak ng konsehal na si Dennis Alcoreza, ng unang distrito ng Manila sa Tondo nang magtungo sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Mesina, nitong Setyembre 6, 6:30 ng gabi nang magpunta sa Golf Course si Alcoreza para maglaro na inabot ng halos mahigit isang oras.

Umabot din umano sa 3 basket na may tig-80 bola ang nagamit ng konsehal na ang halaga sa P270, ngunit dahil konsehal naman si Alcoreza, isang basket na lamang ang siningil ni Mesina na may halagang P90.00.

Dito na aniya nairita ang konsehal at pinasok sa boot ang biktima saka sinutok sa mukha bago umalis sakay ng kanyang sasakyan.

Agad namang nagtungo sa pagamutan si Mesina para magpa-medical bago naghain ng reklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply