Konsehal sa GenSan pinagbabaril, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ang isang opisyal ng barangay makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang di pa nakilalang armadong lalaki kaninang madaling araw (Sabado, Setyembre 3) sa General Santos City.

Patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan bunga ng tama sa bala sa leeg, braso at kamay ang biktimang si City Councilor Ronnel Rivera,
nasa hustong gulang at residente rin ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang biktima na isa ring oposisyon ay maghahatid ng kanyang bisita sa isang hotel sa General
Santos City dakong 4:00 ng madaling araw.

Ang biktima ay abala umano sa pag-aasikaso ng kanyang mga bisita kaugnay sa pagdiriwang ng ika-13th National Tuna Congress sa Lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, pababa sii Rivera sa kanyang sasakyan nang paulanan ng bala na tumama sa kanyang leeg at kamay.

Sa ngayon ay nasa loob pa ng emergency room si Rivera habang hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng insidente.

Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang awtoridad upang madakip ng suspek na bumaril sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply