Kontra sa MRT-LRT, toll fees hikes dumarami

HINDI lamang lumalawak sa iba’t ibang sektor, kundi lumalago ang oposisyon sa pagtataas na singil sa pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit, at koleksiyon ng Value Added Tax (VAT) sa toll fees sa lahat ng expressway sa Luzon.

Kanina ay muling ipinarating ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Palasyo ang matinding pagtutol sa nakatakdang implementasyon ng fare at toll fees hikes sa susunod na buwan dahil tila bingi ang Palasyo sa panawagan ng maraming sektor.

Sinabi ni Revilla na nauna na niyang ipinahayag ang buong suporta sa Senate Resolution 602 na humihiling kay Pangulong Benigno Aquino III na suspendihin ang implementasyon ng fare hike sa MRT at LRT kahit hindi pa tinatalakay sa sesyon ang dokumento.

“I am glad that majority of our colleagues also support and are also co-authors of the Senate Resolution 602 which was introduced by Senators Villar, Arroyo and Recto.  It will be a right decision if the Palace economic team reconsiders its decision to raise train fares as well as the imposition of the 12-percent VAT on toll fees,” aniya.

Nauna nang nilagdaan ng 13 mambabatas ang PSR No. 602 na inihain nina Sen. Manny Villar, Joker Arroyo at Ralph Recto na hinihiling sa chief executive na ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas.

Karamihan sa mambabatas na lumagda sa resolusyon ay kaalyado ni Senate President Juan Ponce Enrile na tinaguriang “majority group”  at ilang oposisyon na pinangungunahan ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano.

Hiniling din ni Revilla sa kasamahan sa Senado na kontrahin ang planong mangolekta ng VAT sa toll fees dahil ipinatayo ng pamahalaan ang lansangan upang mapahusay ang takbo ng motorista tulad ng sinasabi ni Recto na bubuwisan ng gobyerno ang kinokolektang buwis sa sistemang ipinatayo para sa, at pinondohan mula sa kaban ng bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply