Koreano binoga sa San Juan

ISANG Koreano ang nakitang patay sa loob ng kanyang sasakyan sa lungsod ng San Juan umaga ng Huwebes, Setyembre 29.

May tama ng baril ang Korean national na siyang ikinamatay nito. Nakaparada ang sasakyang Ford nito na may plakang HUR-333 sa kanto ng Connecticut at Ortigas Avenue sa naturang lungsod.

Kaugnay nito, pansamantalang isinarado muna ng Metro Manila Development Authority ang eastbound lane ng Ortigas Avenue. Bubuksan kaagad ang naturang kalsada pagkatapos ang isinasagawang imbestigasyon ng SOCO.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply