Koreano utas sa ambush sa San Juan

PATAY ang isang Koreano habang sugatan ang drayber nito matapos na pagbabarilin ng riding in tandem kaninang umaga sa San Juan City.

Kinilala ni Eastern Police District director P/C. Supt. Francisco Manalo ang biktima na si Hyung Hur, 59, negosyante, residente ng LPL Condominium, Eisenhower St., Barangay Green Hills ng nasabing lungsod, habang nakilala naman ang drayber nito na si Mark Anthony Casayuran, 30.

Tumakas naman ang mga salarin sakay ng isang kulay pulang Honda XRM na hindi naplakahan matapos ang ginawang pamamaril sa mga biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Connecticut St. corner Ortigas Ave., San Juan City.

Nabatid na kararating pa lang ng mga biktima sa isang coffee shop sakay ng Ford Expedition (HUR-333). Habang ipinaparada ng drayber ang sasakyan nang lumapit ang mga salarin kay Hur at agad na pinagbabaril kung saan nadamay din ang drayber.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit ideneklarang dead on arrival si Hur na nagtamo ng dalawang tama ng kalibre .45 na baril sa ulo malapit sa tenga habang ligtas naman drayber nito.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang mga salarin at laman kung ano ang motibo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply