Koreans nanguna sa listahan ng mga illegal aliens sa bansa

NANGUNGUNA sa talaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Koreans sa mga illegal aliens sa bansa.

Batay sa listahan ng BI, mula Enero hanggang Hulyo ng taon kasalukuyan,  155 Koreans, 154 Chinese Nationals ang pinadeport pabalik sa kani-kanilang bansa.

Ang nabanggit na record ay base sa kabuuang record na 2, 727 illegal aliens na pinaalis sa Pilipinas at pinabalik sa kani-kanilang mga bansa.

Bukod dito’y nangunguna rin sa listahan ang mga American (58), Japanese (56), at Taiwanese (48) nationals na na-blacklist sa bansa.

Umabot sa 95 porsyento sa mga ito ay naharang mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang iba naman ay mula sa Cebu, Davao at Laoag ports. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply