Korte ginisa sa mabagal na paglutas ng mga kaso

DISMAYADO si Sen. Franklin Drilon sa mabagal na pagkilos ng Hudikatura sa nabulgar na 37.5% o 380,490 kaso lamang ang naresolbahan mula sa 1,013 milyong asuntong naihain sa korte.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate finance committee, hinikayat ni Drilon ang hudikatura na kaagad punan ang bakanteng posisyon upang mapabilis ang disposisyon ng nakabinbin na kaso at mabawasan ang nakahain sa mga korte.

Tinatalakay ng komite ang panukalang P13.675 bilyong badyet ng hudikatura, na may 550 judicial position ang bakante sa loob ng maraming taon na siyang lubhang nakakaapekto sa antas ng disposisyon ng korte.

“We are concerned about the very serious disposition rate of our courts,” ayon kay Drilon.

Tinukoy pa ni Drilon ang ulat ni Court Administrator Midas Marquez na nagsasabing umaabot lamang sa 37.5% ang disposition rate ng hudikatura sa 2010, na kung saan tanging 380,490 kaso ang naresolbahan mula sa kabuuang 1,012,817 nakabinbin na kaso.

Sa ganitong punto, sinabi ni Drilon na sanhi ng mababang tantos ng paglutas sa kaso, hindi mapaniniwala ng administrasyon ang mamamayan sa anti-graft campaign ng gobyerno.

Samantala, inihayag ni Marquez na umabot sa 550 bakanteng posisyon sa ahensiya – mahigit ikaapat na bahagi ng kabuuang bilang ng hukom sa hudikatura na matagal nang kailangan ng ahensiya.

Kaya tanong ni Drilon, “why does it take so long?”

Isa sa idinahilan ni Marquez ang kakapusan ng kuwalipikasyon ng mga aplikante na ilan sa aspirante ang kumuha ng bar exam apat hanggang limang beses bago makapasa na hindi angkop sa imahe ng Hudikatura.

Dahil dito, hiniling ni Drilon sa Hudikatura na pabilisin ang pangangalap ng hukom upang mapunan ang mga bakanteng puwesto na magpapabilis naman sa paglutas sa mga kasong nakahain sa korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply