Korte solusyon sa korapsyon

KAHAPON ay bumuhos ang malakas na ulan ng anomalya at katiwalian nang matuyo ang lupa, sumingaw ang masansang na amoy ng korapsyon: NBN-ZTE deal; fertilizer fund scam; convertion ng pondo sa military; helicopter at motorboat sa PNP; pcso intelligence fund; llda Dredging Project; iskandalo sa 2004 at 2007 elections; at North Rail Project na mula sa $503 million ay naging $2 billion.

Sa  kanyang  pakikipagpulong, sinabi ni pnoy sa Chinese business community – ipinagtanggol ng Pangulo ang kanselasyon at review sa mga kasunduan na nilagdaan ng administrasyon ni PGMA.

Napatunayan na may nilabag na mga batas, hindi sumunod sa proseso at tiniyak ni pnoy na mananagot ang lahat ng accountable officials.

Ito ay isang matinding babala at magandang senyales sa mga investor na maglalagak ng pamumuhunan sa bansa na ang mga negosyante ay tatanggap ng parehas at pantay na trato sa larangan ng pagnenegosyo.

Lahat ng lalagdaang kon-trata, lahat ng matatapos na proyekto ay magtataglay ng integridad na apat na “r” – right project, right cost, right quality at right on time.

Tama. Ito naman talaga ang dapat mangyari.

Hindi tama ang puro na lamang imbestigasyon sa kapulungan ng Kongreso.

Tamang nagkakaroon ng kaalaman ang bayan kung paano at sino ang may kinalaman sa katiwalian, pagkatapos ng imbestigasyon, anooooo?

Wala rin laging  sinasabi: in aid of legislation. Teka muna, meron na bang batas na pinagtibay ang Kongreso, matapos magsagawa ng hindi mabilang na imbes-tigasyon sa iba’t ibang mga anomalya?

Wala.

Ngayon, hindi natin masisisi ang bayan kung sabihing “ang lahat ay in-aid of re-election ng ating  honorable members of Congress.”

Ang kongreso ay hindi naman hukuman na pwedeng magbigay ng parusa.

Kung sadyang matibay ang mga ebidensiya – ipagharap ng kaso sa korte. Kapag may naparusahan – tiyak na matutuwa at maniniwala ang taumbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply