Kumakampi sa mali: GMA napapaikot ni Marian Rivera

NOONG araw ay pinangangalandakan ng GMA-7 na Christian station daw sila. Pero ngayon hindi na yata natin naririnig ang mga katagang ito na iniuugnay sa naturang istasyon. Siguro hindi nila nakuhang mapag-isa ang mga paniniwala ng kanilang mga tauhan.

Pero yaman din namang bukas ang kaisipan nila sa maka-Diyos na usapan bakit hindi nila mapatino ang ilan nilang mga artista na hindi maka-Kristiyano ang gawain?

Katulad nitong si Marian Rivera, pinaghehele lang nila at hindi naman binibigyan ng sermon para tumino ito at mapasunod sa kabutihan.

Ang pang-aaway na ginawa ni Marian kay Heart Evangelista ay hindi naman nila nagawan ng paraan para talaga mabigyan ng leksiyon ang binibeybe nilang siyota ni Dingdong Dantes.

Imagine, imbes na si Marianita ang bigyan nila ng parusa dahil sa kasamaan ng ugali nito, si Heart ngayon ang pinarurusahan nila. Pagkatapos na mangyari ang kaguluhan sa pagitan ng dalawa ang huli pa ang naging kawawa.

Natural matindi ang sama ng loob na nararamdaman ngayon ng girlfriend ni Daniel Matsunaga. Sa tindi nga ng hinanakit nito, hindi na niya namalayan ang kanyang sarili napunta na pala siya sa Star Magic Ball. Hahaha!

At least, napasaya naman daw nito ang kanyang sarili sa event na iyon kahit inimbita lang niya ang kanyang sarili para um-attend. Tuwang-tuwa naman ang dati niyang mga kapamilya at ang magandang dalaga raw ang naging center of attraction sa pagtitipong ‘yon. Samantalang si Lovi Poe raw na karay-karay ni Jake Cuenca ay ‘wa pansin ng mga otaw. Pano naman daw kasing papansin ang Kapuso star e, para daw itong inaantok, ang pungay-pungay ng mga mata at tahimik na nakamasid lamang sa kawalan (kawalan? Hahaha!).

Oo, ‘yan po ang mga text messages na natanggap namin mula sa ating mga dear readers. Actually, hindi talaga namin alam na napadpad pala si Heart at Lovi sa Star Magic Ball. Natutulog yata kasi sa pansitan nu’ng time na ‘yon. Hahahaha!

Anyway, going back to Ms. Evangelista, naisiwalat pala nito ang kanyang sama ng loob sa Kapuso network at nakikiusap na sana raw ay pakawalan na lang siya kung hindi naman siya bibigyan ng project. Obvious raw kasi na simula nung magkaroon sila ng away ni Ms. Rivera ay binagoong na siya ng GMA.

Well, mukhang napapaikot ni Marianita ang istasyon ng mga Kristiyano, huh!

Excuse me po! ‘Yun ang totoo.

***

Kris sumumpang di iibig sa gwapo

MUKHANG wala na ngang pag-asa si Diether Ocampo na masungkit pa ang matamis na oo ng presidential sister na si Kris Aquino. Kung paniniwalaan kasi ang mga sinabi na wala na siyang tiwala sa mga gwapo at hindi na talaga siya iibig sa mga ito, aba’y pasok doon ang binata. In fact, harap-harapang sinabi ito sa kanya ni Tetay.

Kaya lang nang mapanood ng mga tao ang isang episode ng “Kris TV” na kung saan ay super sweet sina Diet at Tetay, tila yata iba ang sinasabi ng huli sa kanyang ginagawa? Tama ba? Hehehe!

Eto naman ang sabi sa isang blog: “Despite their sweetness, Kris revealed that she will never want a good-looking boyfriend like him because it will only make her cry.

Well…

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply