Kung may usok

SA tuwing kailangan ng mga mambabatas ang pandagdag sa kanilang mga pork barrel ay iisa ang kanilang pinagtutuunan, ang buwis sa sigarilyo.

Ang congressmen ay mayroon na namang panukala na itaas pa lalo ang tax sa sigarilyo, hindi upang matigil na ang paninigarilyo kundi upang makalikom pa ng malaking tax revenues na makukuha nila sa cigarette companies na ipapasa naman sa mga humihithit ng sigarilyo.

Napakalayo sa isipan nila ang kalusugan ng mga taong sugapa na sa sigarilyo.

Ang nasa isipan nila ay ang pork barrel na makukuha nila sa kaban ng bayan, bukod pa sa madedelihensiya nila sa mga cigarette manufacturer.

At hindi naman magpapahuli ang MMDA.

Gumawa ito ng isang iligal na batas upang madelihensiyahan ang mga maninigarilyo.

Saan naman pupunta kaya ang P500 fine na makikikil nila sa mga mga lalabag sa ordinansang hindi naman sakop ng MMDA?

Dapat ay mausisa ang MMDA kung saan nila dadalhin ang perang iyan.

Sana ay hindi mapunta sa bulsa ng mga taga-MMDA.

Dapat ay magkaroon ng public accounting sa perang makukuha nila.

Kailangan ng MMDA ang pera at kaunting pabango sa kapalpakan nila sa traffic at sa flood control.

Sa halip na hulihin ang mga smoke belcher, mga operator ng mga kolorum na sasakyan at ng mga nagpapalala sa baha sa Metro Manila ay ang inaatupag nila ay panghuhuli ng mga naninigarilyo.

Nakita naman ninyo sa telebisyon na may isang opisyal ng MMDA na buong kapal ng mukhang naninigarilyo sa sidewalk habang nanghuhuli ng mga ordinaryong mamamayang naninigarilyo.

Ano ang ginawa ni Francis Tolentino? Sinermonan lang. Ni hindi hiningan ng P500 fine. Nasaan ang hustisya?

Totoong masama ang sigarilyo sa kalusugan ng tao pero sa halip na gawing iligal ang pagtatanim ng tabako at pag-manufacture nito ay ano ang ginagawa ng gobyerno?

Ito ay may isang ahensiya ng pamahalaan to propagate tobacco planting at may subsidy pa sa mga tobacco planter.

Mahirap talagang intindihin ang ating gobyerno.

Kung ipatitigil daw ang pagtatanim ng tabako, paano na ang mga tobacco planter?

Libo-libo raw ang mawawalan ng trabaho.

Ano bang klaseng utak mayroon itong ating pamahalaan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply