Kung saan may pinakamagandang offer, doon si Joross

KINUMUSTA naman si Joross Gamboa kung how is it working with the Superstar, Miss Nora Aunor.

“Sobrang ano, sobrang overwhelming talaga! Na ako masayang-masaya na ako na mapasama dito sa miniserye na ito, okay na, isang malaking accomplishment na ito sa akin.”

Gumanagap si Joross sa “Sa Ngalan ng Ina” bilang si Ramoncito na boyfriend ni Andrea Deogracias na ginagampanan ni Nadine Samonte.

“Ako yung parang pinagpipilian niya, kung ako o yung career niya.”

Very ironic na produkto si Joross ng Star Circle Quest ng ABS-CBN at si Nadine ay produkto ng StarStruck ng GMA, at ngayon ay pareho silang nagtatrabaho naman para sa TV5.

“Oo nga,” ang natatawang reaksyon ni Joross. “Ayun, masaya naman. At least nakakatrabaho ko ang iba’t ibang tao, natututo naman ako sa bawat isa sa kanila.”

Hindi raw exclusive contract star ng Kapatid network si Joross.

“Actually freelancer po ako, e.”

Bago ang nabanggit na miniserye, naging busy si Joross sa… “Nag-ano, nag-2, tapos nag-7, tapos ng 2, tapos nag-5. May ginawa ako sa 2, yung “Hiyas.”

“Hindi pa napapalabas, pero tapos na ako mag-taping, naka- canned na siya.

Sa GMA naman, ang huling ginawa ni Joross ay…

“Yung kami ni Jackie Rice ang magka-partner, yung [Dear Friend Presents] Tisay.”

Paano niya ide-differentiate ang tatlong top networks?

“Actually they are all the same. It depends rin sa mga nakakatrabaho mo. Siyempre kahit same network tapos ang nakakatrabaho mo iba-ibang tao siyempre panibagong atake iyon, panibagong… depende rin sa role mo. So sa akin naman ang tingin ko dito is work, na may iba’t iba kang nakakatrabaho and kasama iyon sa trabaho.”

What if papiliin siya kung saang network siya magpapa-exclusive contract, ano ang pipiliin niya?

“Ah si Kuya Noel [Ferrer, his manager] ang bahala diyan!

“Sa kanya ko ipapaubaya ang desisyon tungkol sa aking career.”

Kung siya ang tatanungin mismo?

“Ang sa akin kung saan may pinaka-okay na maio-offer sa akin.”

Kung saan pinakamalaki ang talent fee?

“Hindi naman sa talent fee, kumbaga sa complete package, sa lahat-lahat.”

Naikuwento naman ni Joross na may ibinigay na advise sa kanya ang Superstar.

“Actually meron siyang isang malaking ipinayo sa akin… baka ma-feed ko e, kung ano yung eksena, e. Hindi, parang may ipinayo lang siya sa akin tungkol kay Nadine na napaisip ako.

“Meron siyang sinabi. Basta maganda yung eksena.”

About Nadine…

“Ah halos puro po kaming dalawa [ang magkaeksena]. Pero nakasama ko rin po yung family niya kasi parang part na rin ako ng family dito sa istorya dahil ako yung boyfriend ni Nadine at ikakasal kami.”

Speaking of kasal, how true na ikakasal na si Joross at ang girlfriend niyang si Katz Saga?

“Ay hindi, hindi pa po, wala pa po. Pinaplano naman namin, gusto naming maging plantsado lahat bago… kumbaga baby steps.”

This year ang kasal?

“Not this year.”

Next year?

“Hindi ko pa sure kung kailan. Kung darating naman, ipapaalam at ipapaalam ko naman sa lahat.”

Happy si Joross sa career niya ngayon…

“Opo! Happy naman po, at tinutuloy ko pa rin yung studies ko so tuluy-tuloy naman po ako.

Fourth year Mass Communications student si Joross sa Southville International School sa Las Piñas.

Ang movie career ni Joross…

“Hopefully sana makasama ako sa dun sa part 3 ng John Lloyd [Cruz] at Sarah [Geronimo] movie. Parang may plano yata silang ulit na ganun.

“Pero hopefully, hopefully lang.”

Isa si Joross sa mga masuwerte na nakakapagtrabaho sa iba-ibang TV stations.

“Ay sobrang… yun nga, masaya ako dahil ano e, sa akin marami din kasi akong mga kaibigan in all networks kaya mas madaling maka-ano ng trabaho.

“Kumbaga kailangang marunong ka rin talagang makisama.”

Runner-up lang si Joross ni Hero Angeles sa SCQ pero may career pa rin si Joross at si Hero ay halos hindi na aktibo sa showbiz.

“Ay sa akin po ano kumbaga, hindi ko na po iniisip yung ano, yung kung nanalo man o hindi, basta kung anuman po yung ibigay sa aking trabaho pagbubutihan ko.

“And basta mahal mo yung trabaho mo, everything follows.”

Nang tanungin namin si Joross kung nasaan na si Hero, ang sagot niya ay…

“Hindi ko po alam!”

‘Yun na!

-0o0-

UMPISA na ng patalbugan ng mga dyosa tuwing Lunes sa Klownz Comedy Bar para sa ikalawang taon ng Philippines’ Gay Goddess.

Ang lahat ng interesadong sumali ang magtungo sa Klownz Comedy Bar, Quezon Avenue tuwing Lunes, sa ganap na 7:00 ng gabi.

Ang bawat kandidato ang dapat magdala ng swimsuit at long gown.

Ang mananalo ay may chance makasama sa Grand Finals na gaganapin sa Marso 2012 sa Music Museum.

Ang Philippines’ Gay Goddess is inorganiza nina Allan K at Vice Ganda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply