Kuryente sa relocation site, mga bakal kinakalawang na

NAG-AALBURUTO na ang mga residente ng mga na-relocate sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan dahil sa sobrang tagal daw na magkaroon sila ng kuryente.

Halos kinalawang na ang mga bakal na inilagay ng mga residente sa nasabing relocation site  sa kanilang mga bubungan.

Ito’y para makakonekta ng wire mula sa poste papunta sa kani-kanilang mga bahay. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang kuryente sa kanilang mga bahay.

Ano ba ito, Housing  and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)  Chairman VP Jejomar Binay?

Wala ba kayong magagawang paraan para naman kahit papaano ay magkaroon ng ilaw ang mga residente ng Brgy. Gaya-gaya, San Jose
del Monte, Bulacan?

At least ay mapatutunayan na rin ninyo sa publiko na karapat-dapat kayong maging Presidente ng bansa.

Hindi ‘yung panay ang dakdak ninyong tatakbo kayong Presidente e wala pa naman kayong nagagawa sa mga kababayan ninyo.

Basahin ninyo, Mr. VP Binay, ang mga nilalaman ng mga reklamo.

Paging HUDCC Chair Binay. Sobrang tagal ng kuryente dito sa relocation site sa Brgy. Gaya-gaya San Jose del Monte, Bulacan.

Kinakalawang na ang bakal na inilagay nila sa bubong namin na magkokonekta ng wire mula sa poste papunta sa mga bahay-bahay rito. Yung ininstall din nila na ground, ‘yung pinakatanso niya tinatawag na battery clamp pinagnanakaw na. Baka pati bahay namin nakawin na rin at pag-uwi namin ay wala na ang aming mga bahay.

VK SA BIÑAN PADER SA KAPULISAN

Nagkalat ang mga video-karera ng tropa ni Mon sa Biñan,Laguna ng hindi man lamang hinuhuli ng kapulisan. Ang dahilan may lagay daw ang mga ito.

Anomangreklamo o puna itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply