Kylie Padilla pinayagan na ni Robin Padilla na lumabas with Aljur Abrenica

MASAYA ngayon sina Kylie at Aljur Abrenica dahil pinayagan na sila ni Robin Padilla na lumabas at mag-date pero chaperoned siyempre si Kylie ng kanyang yaya. Naikuwento ito ni Kylie sa press people na dumating sa pictorial ng bagong season  ng Tween Heart kung saan nagbabalik si Kylie sa Sunday soap ng Kapuso network.

Ani Kylie: “Oh, yes! pumayag na si Daddy (Robin) na lumabas kami ni Aljur pero dapat ay  tatlong oras lang at kasama ko pa si yaya.”

Sina Aljur at Kylie rin ang magpartner sa movie na pagsasamahan nina Robin at Aljur, ang Mr. Wong.
Balitang ang co-producer ni Robin sa movie ngayon ay Regal Films at hindi na Viva Films.

Sa Tween Hearts, panibagong  character ang pagbabalik ni Kylie sa Sunday soap, na balitang mas maraming artista ang magdaratingan na dating umalis na sa show.
Kabilang dito sina Louise Delos Reyes at Lexi Fernandez.

Ani Kylie: “Masaya sa Tween Hearts. Di ba iyan ang wish ko noon! Nagkatotoo naman!”

Last Sunday, nabuking na ang pagmamahalan nina Barbie Forteza at Joshua Dionesio.  Pilit silang pinaghihiwalay ng parents ni Barbie.

000

SOBRANG nag-aalala si Bea Binene sa kalagayan ng kanyang Lola Claudia (Binene) dahil na-stroke ito at agad na-ICU. Buti naman at nakaka-recover na ngayon. Pero, nag-aalala nang husto ang mother ni Bea na si Mommy Carolina. Sobrang mahal nilang mag-ina si Lola Claudia.

Sa kabila ng tagumpay ng soap ni Bea na Pahiram ng Isang Ina na laging no.1 sa timeslot, nagkaroon pa ng ganitong problema sa pamilya ni Bea. Halata namin kay Bea kapag kinakausap namin siya ay nalulungkot at nag-aalala sa kanyang lola. Hindi naman naapektuhan ang performance ni Bea sa Pahiram ng Isang Ina. Lalo pa nga niyang naibibigay ang sarili sa mga madramang tagpo, lalo na iyakan, basta’t naaalala niya ang kanyang lola.

Sa estorya, tuluyan nang  nagkakalapit sina Bea at Jake Vargas. Lahat iyon ay para sa ikabubuti ni Carmina Villarroel na nakilala nilang dalawa bilang kanilang ina.

000

NANG nag-over da bakod si Paulo Avelino sa ABS-CBN, binigyan agad ng big break ng GMA 7 si Mike Tan bilang bagong leading man sa isang afternoon soap ng Kapuso network. Sa bagong soap, makakasama ni Mike sina Carla Abellana at Michelle Madrigal. Magiging kapalit ito ng Sisid.

Sa parte ni Paulo, kaya siya umalis sa Siyete ay gusto raw niyang subukan ang sari- li na maire-invent. Gusto niyang subukan ang ibang roles na hindi pa naibibigay sa kanya noon. Si Paolo ay produkto ng StarStruck 4 ng GMA 7.

Bukod sa telebisyon, kinuha na rin siya ng Regal Films bilang kanilang Regal Baby. Unang assignment niya ang Aswang movie na pagsasamahan nila ni Lovi Poe. Ang Aswang ay revival ng Regal movie ni Alma Moreno noong 80s.

Dapat si Paulo ang lalabas  na partner ni Solenn Heussaff sa Temptation Island. Ang kaso,nagkasakit ito at kailangang ma-ospital nang matagal. Kaya ang ending, ipina- lit si Mikael Daez sa movie.

Si Paulo, kasama sina Mike at Enzo Pineda, na pawang produkto ng StarStruck, ay napili ng  Cosmopolitan Magazine  bilang  tatlo sa 10 Most Sought After Bachelors. Rarampa sa Cosmo Bash Night sa September 15.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply