La Aunor tinatabangan nang bumalik sa Tate

KINUMPRIMA ng TV5 ang pagpirma ni Nora Aunor ng tatlong taon sa Kapatid Network tulad ng pagbalita ni Ate Guy mismo sa grand press launch ng mini-serye niya na “Sa Ngalan Ng Ina” na magsisimula na ngayong Oct. 3 pagkatapos ng “Will Time Big Time.” Sa TV5 lang daw kasi siya nakaramdam ng tunay na pagmamahal at respeto para sa isang contract star kaya willing siyang makatrabaho dito ng mahabang panahon.

Dahil dito lalong nagbubunyi ang mga Noranians ngayon dahil ang ibig lang sabihin nito ay mukhang for good na ulit ang pagbabalik ng idolo nila dito sa showbiz. Sinabi na rin ni Ate Guy na rito niya balak mag-celebrate ng Pasko at New Year kaya naman mukhang tinatabangan na nga ang Superstar na bumalik pa ng States kung saan naninirahan siya bilang isang ordinaryong tao lang.

Mukhang kailangan ngang mag-stay ni Guy rito for the Christmas season kasi kailangan niyang i-promote ang MMFF entry nila under Regal Films na “Hototay: Mano Po 7.” At next year naman ay nakatakdang ipalabas ang “El Presidente” na ginawa niya kasama si Gov. ER Ejercito.

Speaking of Sa Ngalan Ng Ina, nakakikilig ngang panoorin ang dating mag-asawa na sina Guy at Boyet de Leon. Mismong anak nila na si Ian De Leon ay kinikilig kung napapanood sila nito sa mga eksena. Aba, balak ding pagsamahin ng Regal sina Guy, Boyet at Pip sa isang pelikula at ngayon palang ay excited na ang lahat sa proyekto.

Mukhang dahil sa matinding buzz na nakukuha ni Guy sa showbiz ngayon ay na-eclipse niya pansamantala ang karibal niyang si Ate Vi.

Buhay na buhay na ulit ang rivalry ng dalawa, lalo pa’t nakatakda na ring pumirma si Vi sa TV5 next year!

***

PARANG kelan lang pero nakakatatlong taon na pala ang Juicy, ang original daily talk show ng TV5. Lalong pinalakas ito nang sumama na sina Cristy Fermin, Mo Twister at Shalala sa original hosts nito na sina Alex Gonzaga at IC Mendoza. Aba mas bongga pa ang staying power ng Juicy kaysa sa SNN na tumiklop na despite Boy Abunda’s presence in the show.

For their weeklong third anniversary presentation ay pinangaralan nila ang Juiciest Male and Female Showbiz Personality of the Year. At si Marian Rivera ang tinanghal na Juiciest Female at si Jake Cuenca naman ang Juiciest Male. Hitik pa rin sa intriga at kontroberya si Marian sa nagdaang taon pero nagtapos na siya on a positive note lalo na’t nagkasundo na sila ng host ng Juicy na si Cristy Fermin. Nanalo naman si Jake dahil sa walang patid na intrigang binabato sa kanya kung saan ang latest ay ang pagregalo daw sa kanya ng mga bala ni Cong. Singson dahil pagdi-date raw nila ni Lovi Poe na ex (?) ng kongresista na nananatiling nakapiit sa Hong Kong.

More power sa Juicy na alam naming magtatagal pa nang husto!

***

ISA pang natsitsismis na lilipat din sa TV5 next year ay si Derek Ramsay na mage-expire na ang kontrata sa ABS-CBN ng February 2012. Ayon kay Derek mismo, he’s currently keeping his options open. Aminado siyang hindi pa siya kinakausap ng ABS-CBN for a renewal of his contract. Gusto lang niyang iklaro na wala siyang galit sa Kapamilya Network

Medyo na-disappoint lang daw siya dahil ang ABS-CBN pa raw ang unang naglabas ng intriga tungkol sa pagiging married niya before.

Kumbaga, feeling niya ay hindi siya naprotektahan ng kanyang home network. Pero kung ano mang tampo raw na naramdaman niya before ay wala na raw ‘yun kasi naayos na rin ang gusot sa kanyang first marriage.”

Obvious na hindi basta-basta papakawalan ng ABS si Derek dahil sa pagiging bankable actor nito. Sa kasalukuyan ay pinipilahan ang pelikula niyang “No Other Woman” kasama sina Anne Curtis at Cristine Reyes na co-prod ng Star Cinema at Viva Films.

***

SPEAKING of durability, hindi na talaga pwedeng timbugin ang Bubble Gang kasi the show is celebrating its 16th anniversary ngayong Oct. 14. Stars come and go pero nandyan pa rin ang BG, ang latest na nawala nga ay si Wendell Ramos. Musical ang concept ngayon ng anniversary episode with special guest star Heart Evengelista.

Magko-concert ang Wonderboys at babanat na naman si Boy Pick-Up with his largest crowd ever! Ide-dare naman ang ibang gag show sa ibang network kung aabot ba sila ng 16 years!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply