La Salle bumabawi sa taekwondo

LAGLAG na sa Final Four ang basketball seniors division ng La Salle Green Archers kaya naman ibinaling nila ang galit sa taekwondo.

Sa pagsipa ng UAAP 74 taekwondo competitions sa The Arena sa San Juan kahapon (Martes, Setyembre 13) ay tumadyak agad ang reigning champion La Salle jins ng 6-1 panalo kontra UE Red Warriors.

Halatang puot at galit ang namumuong paghihiganti ng Archers dahil binokya ni Kevin Sia si Maverick Bistosong, (9-0) sa flyweight division, 7-0 kay Jaime Pablo kontra kay Anthony Samia sa middle-heavyweight, 8-2 ni Josafat Lacaya kay Gene Untalan sa bantam, at 10-3 ni John Valencia kay Salvez Crisencio sa feather.

Nilapa naman ng UST Tigers ang 6-1 win laban sa Ateneo, tampok ang 6-0 dominasyon ni Season 72 MVP Marlon Avenido kay Paolo Santiago sa middle-heavyweight.

Sa women’s division, sinakmal ng defending champion Tigresses ang Ateneo, 7-0, sa likod ng mga panalo nina Arianne Agegurado (lightweight), Emron Golding (welter), Jane Narra (middle-heavyweight), Korina Paladin (pinweight), Yvie Hanah Murillo (fly), Monica Reyeg (bantam) at Marynez Niango (feather).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply