Labor dispute sa NAIA reresolbahin sa Kamara

KUMILOS na ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan sa pagresolba sa labor dispute sa pagitan ng Board of Airline Representatives (BAR), organisasyon ng airline companies at ng 800-member of the Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hindi nabayaran ng kanilang dalawang taong overtime  pay na nagkakahalaga ng P2 billion.

Ang sigalot sa pagitan ng BOCEA at BAR ay nagsimula noong 2009 nang pinaboran ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng BAR na ipawalang-bisa ang dalawang Bureau of Customs (BOC)-NAIA administrative orders hinggil sa pagdaragdag ng overtime pay ng BOC employees.

Nakasaad sa House Resolution 1467 nina Reps. Teddy Casiño, (Party-list, Bayan Muna) at Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis) ang kahilingan  sa House Committee on Labor and Employment upang imbestigahan ang alegasyon ng BOCEA members na ang nasabing  desisyon ng korte ay hindi patas at paglabag  sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Sinabi ni Casiño, nagsampa ng motion of reconsideration sa Supreme Court  ang BOCEA upang baguhin ang naging desisyon ng  CA.

Ayon kay Efren Cestina, pinuno ng BOCEA legal committee, hindi sila  nabayaran  ng kanilang overtime makaraang ipalabas ang desisyon ng noong July 2009 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon pa kay  Casiño, makaraang ipalabas ang desisyon ng CA 2009 ay ibinalik na sa old rates ang overtime payments samantalang karamihan sa BAR members ay hindi na rin  ibinigay ang kanilang overtime compensation sa lahat ng mga  miyembro ng  mga BOCEA.

Ang BAR ay kinabibilangan ng Asiana Airlines, Air France, Cathay Pacific, Cebu Pacific, Philippine Airlines, Qantas Airlines, Singapore Airlines at iba pang international airline companies.

Ang 800-member BOCEA ay puwersahan din umanong  pinagtatrabaho ng 20-hour shifts kada bawat isang araw nang walang extra pay.

Sa ilalim ng  BOC-NAIA administrative orders  ang mga  BOCEA members ay makakatanggap ng P30.00 hanggang  P38.00 kada oras na  overtime rate na  madagdagan mula   P66.00 hanggang  P83.00 sa ilalim ng  pangalawang order.

Binigyang-diin ni Casiño  na international practice sa mga airline companies  na bayaran ang mga government fees tulad ng  customs at iba pang  fees tulad ng United States’ Air and Sea Passenger User Fees and Australia’s Passenger Movement Charge.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply