Lacson nagbabala sa pagbili ng kabayo ng PNP

NAGBABALA si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa planong pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng pitong kabayo na gagamitin sa pagpapatrolya sa Cordillera region.

Ani Ping habang nasa kasagsagan ng budget deliberations, na iwasan lang umano na ang bibilhing mga kabayo ay pag-aari ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo.

Idinepensa naman ni PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo ang paglalaan ng budget sa bibilhing pitong kabayo.

Ikinatwiran ni Bacalzo na ang mga kabayo ay naging epektibo sa pag-patrolya sa Tagaytay City kaya maaaring gawin din sa Cordillera na bulubunduking lugar.

Sinabi naman ni Lacson na walang problema sa pagbili ng kabayo ng PNP basta hindi lang segunda mano.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply