Lady call center agent utas sa sagasa

PATAY ang isang babaeng call center agent makaraang masagasaan at kaladkarin ng rumaragasang kotse sa Pasig City.

Ang biktima ay kinilalang si Cherrie Mae Lagumbay, ng Taytay Rizal, na ayon sa ulat ay tumatawid ang biktima sa Ortigas Ave. harap ng Medical City, Barangay Ugong nang mahagip ng umaragasang kotse.

Napag-alaman na bumaba ang biktima sa sinakyan nitong pampasaherong jeep sa west bound ng Ortigas at tumawid sa kabilang kalsada patungong silangang bahagi kung saan habang tumatawid ay may kinakausap sa kanyang cellphone at hindi napansin ang mabilis na sasakyan.

Base sa imbestigasyon, iniwasan ng sasakyan ang biktima pero dahil sa kalituhan habang may kausap sa cellphone ay tumakbo ito patungo sa direksiyon na tinutumbok ng kotse kung kaya nabangga at sumampa sa hood.

Sa kagustuhan ng suspek na agad maialis sa ibabaw ng kotse ang biktima ay binilisan pa ng drayber ang takbo sabay preno hanggang sa tumilapon sa kalsada.

Bukod sa mga nakuhang bahagi ng kotse, rerepasuhin din ang CCTV kung may nakuhang video ng sa gayon ay makilala ang tumakas na suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply