Lady guard sa SM City North Edsa sinibak na

SIBAK na sa trabaho ang babaeng security guard na nalusutan ng baril ng isang ginang na bumaril at nakapatay sa kanyang mister sa SM City North Edsa noong Setyembre 14.

Ayon sa Lambdan Security Agency na nangangasiwa sa seguridad sa nasabing mall, batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, nabigo ang hindi na pinangalanang lady guard na busisiin nang todo ang bag ng suspek na si Shella Mapugay nang pumasok sa mall.

Una nang nabaril ni Macapugay ang kanyang mister at nadamay din at napatay ang isang guwardiya na aawat lang sa ginang nang magtangkang magbaril sa sarili.

Sa ngayon, nakikipagpulong na ang nasabing security agency sa pamunuan ng SM Supermall para sa mga gagawing hakbang upang hindi na maulit ang naturang insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply