Lady Tams sinuwag ang lady Archers

NAKALUSOT ang Far Eastern University Lady Tamaraws mula sa banta ng De La Salle University Lady Archers sa Blue Eagle Gym sa women’s basketball tournament of UAAP Season 74.

Ang Lady Tams ay nangailangan lang ng extra five minutes sa pagsikwat ng 59-53 victory laban sa Lady Archers.

Nabigyan naman ang FEU ng pagkakataong makaungos, 44-36, sa final period, ngunit hindi ito pinaporma ng La Salle kaya napuwersa ang overtime.

Kinontrol naman ng Lady Tams ang extra period at hindi na pinaiskor ang DLSU 9-3 hanggang sa makuha ang panalo.

Si Allana Lim ay nakadale ng 20 puntos at 11 rebound para sa FEU habang si Aracelie Abaca ang nanguna sa La Salle sa pamamagitan ng kanyang 14 puntos at 18 board

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply