Lady Troopers at Lady Stags sa Finals nasisilip

NAKAPORMA na ang pinananabikang laban sa kampeonato sa pagitan ng Philippine Army Lady Troopers at ng San Sebastian Lady Stags kasunod ng unang panalo nila sa best-of-three ng semifinals sa Shakey’s V-League Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City kahapon (Linggo, Setyembre 11).

Si Rachel Ann Daquiz ang umiskor ng 14 puntos at si Mary Jean Balse ay naghatid ng 12 points, 2 blocks at 2 services aces sa 25-10, 25-21, 25-19 sa panalo ng Lady Troopers sa Game 1.

Pipiliting tapusin ng volleybelles ni coach Rico De Guzman ng Lady Eagles sa Game 2 na nakatakdang ganapin sa Huwebes sa pareho ding venue. Na-control nila sina Alyssa Valdez at Fille Cainglet na nakapuntos lang ng pinagsamang 14.

Ang dalawang Lady Stags import na sina Lauren Ford at Jeng Dualee na bumanat ng 20 puntos sa 16 spikes, 3 blocks at isang service ace at ang 18 hits naman ni Dualee ang bumali sa gulugod ng Philippine Navy sa sets na 25-20, 34-32, 25-22 na naghatid sa panalo ng Lady Stags.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply