Lady Troopers pinasabog ang Lady Stags sa kampeonato

INILIPAD ng Army Lady Troopers ang korona tangay ang kampeonato sa unang Shakey’s V-League Season 8 Open Conference sa mahigpitang paluan na inabot ng five sets na kung saan ay nanaig ang Troopers sa 27-25, 20-25, 22-25, 25-23, 15-10 sa best-of-3 title match sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City noong Huwebes (Setyembre 22).

Naisalba naman ng Ateneo Lady Eagles ang third place sa pagpapalubog sa Philippine Navy Lady Sailors sa katulad na five sets, 24-25, 24-20, 25-18, 19-25, 15-10.

Naging matikas ang Lady Troopers na kinatawan ng mga manlalaro ng national team sa pangunguna ni ex-FEU Tamaraws star Rachel Ann Daquiz na bumanat ng 8 aces sa kanyang game-high na 20 points. Ito ay kasunod ng kanyang 14 points na pinasabog sa series opener na naghatid sa kanila sa ikalawang panalo sa finals.

Labis ang kasiyahan ni Philippine Army coach Rico de Guzman sa panalo at lalong pinahanga sa inilaro nina Daquiz, Mary Jean Balse na bumanat ng 19 puntos, Michelle Carolino (11), Joanna Bunag na tumapos ng 10 at Marietta Carolino na nagpaputok ng 14. Labis din niyang hinangaan si Cristina Salak na nagrehistro ng 60 excellent sets sa kabuuan ng finals bukod sa seven service points na itinarak niya sa final game.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply