Lagay ng kalusugan ni GMA bumubuti na

BUMUBUTI na ang kondisyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay makaraang sumailalim ang dating presidente sa ikatlong operasyon noong nakaraang buwan dahil sa nagkaaberyang cervical spine surgery.

Ayon sa tagapagsalita ni Arroyo na si Maria Elena Bautista-Horn, maayos nang nakakakilos ang dating pangulo ngunit mas maingat pa ang pagmonitor ng mga manggagamot, upang maiwasang maulit ang natukoy na impeksyon sa mga nakaraang medical procedure.

Ayon naman kay Marilen Lagniton, vice president for corporate communications ng St. Luke’s Medical Center sa Tauguig City, muli silang magpapalabas ng medical bulletin bukas ng tanghali para sa kalagayan ng Pampanga solon.

Pinatotohanan din ni Lagniton ang obserbasyon ni Bautista-Horn, lalo’t maging sila ay natutuwa umano sa positive progress ng kalagayan ng pasyente.

Sinabi naman ni Dr. Mario Ver, orthopedic surgeon ni Arroyo, na nag-stabilized na ang bone graft na inilagay sa cervical vertebrae ng dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply