Lamborghini — Pinas, sa wakas

MANILA, PHILIPPINES— Tiyak na nanginginig na sa excitement ang mga fans ng Lamborghini at ang mga Pilipinong mahilig sa sports car sa pagdating ng pamoso’ng Italian brand sa bansa. Pormal nang inihayag ng Automobili Lamborghini S.p.A na ang PGA Automobile Inc., ang kanilang magiging official dealer sa Pilipinas.

Dumayo pa ang President at CEO ng Automobili Lamborghini S.p.A. na si Stephan Winkelmann sa bansa upang ipaalam sa media ang “agreement” na ito. Kasama rin niya sa pagbahagi ng magandang balita ang Automobili General Manager na si Christian Mastro, at PGA Automobile Chairman na si Roberto Coyiuto Jr, gayun din naman ang mga naatasang mamuno sa Lamborghini Manila—ang President na si Roberto Coyiuto III at ang General Sales Manager na si Enrique Jarlego II.

Ang kauna-unahang Lamborghini showroom sa bansa ay magbubukas sa Bonifacio Global City, kung saan ang mga Lamborghini owners ay maaari ring makabili ng mga specialized parts at accessories para sa kanilang sports car.

Dalawa sa pinakasikat na models ng Lamborghini ang ibebenta sa bansa—ang pinakapipitagang Lamborghini Gallardo at ang pinakabagong Lamborghini Aventador LP700-4.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply