Lamesa Dam umapaw: mga residenteng malapit inilikas

INILIKAS na ang ilang residente malapit sa Tullahan River sa Metro Manila kabilang na ang ilang pamilya sa Quezon City makaraang umapaw ang La Mesa Dam bunsod ng ng bagyong Pedring madaling-araw ng Miyerkules, Setyembre 28.

Ayon sa panayam sa dzBB kay Engineer Teddy Angeles, manager ng La Mesa waterworks ng Manila Water, lumagpas ang 80.15-meter level ang naturang dam bandang 2 a.m.

“As of 2 a.m., nag-umpisa na siya mag-overflow. Tapos 3 a.m., ang elevation is 80.17 (meters). We have a 2-cm overflow. (Pero) hindi siya gaanong makakaapekto for most residents along Tullahan except Malabon na kahapon pa baha na,” ayon kay Angeles.

Nabatid pa sa report hiwalay na report ng dzBB na karamihan sa mga nag-evacuate ay mga nakatira malapit sa Tullahan River sa Quezon City.

Nabatid na Martes pa lamang bandang 10 p.m. ay inalerto na ng Dam management ang Barangay North Fairview sa pag-apaw ng tubig at kailangan na silang magsilikas.

Agad na tumalima naman ang mga apektadong residente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply