Landmark case ng mga Pinay DH, ipinagpaliban

NA-POSTPONE ang paglalabas ng landmark ruling hinggil sa issue ng residency ng mga dayuhang domestic helpers (DH) sa Hong Kong.

Itinakda na sana ni High Court Judge Johnson Lam ang pagbaba ng desisyon kaninang 10:00 ng umaga subalit napilitang ipagpaliban ang sesyon bunsod ng pananalasa ng tropical cyclone na Pedring, na nanggaling na sa Pilipinas.

Ang nabanggit na landmark case ay unang isinampa ni Evangeline Banao Vallejos, isang overseas Filipino worker (OFW) na mahigit 25 taon na ring nagtatrabaho sa Hong Kong, subalit tinanggihang bigyan ng permanent residency.

Dahil sa postponement, umaasa ang abogado ni Ballejo na bukas na maibababa depende na rin sa magiging kumpirmasyon ng korte.

Maliban kay Vallejos, may kagayang kaso rin na isinampa ang iba pang Filipino nationals na humihingi na mabigyan ng pantay-pantay na pagtingin sa kanilang karapatan.

Sa ilalim ng Hong Kong’s Basic Law, maaaring mag-apply ng permanent residency ang isang dayuhan kapag nanatili sa Hong Kong ng mahigit pitong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply