Lani Mercado nagselos sa mga babae ni Bong?

NAGDIWANG ng kanyang ika-45 na kaarawan si Senador Ramon “Bong” Revilla sa Diamond Hotel Roxas Blvd noong Setyembre 25. Pinaghalong taga-pulitika at taga-showbiz ang dumalo sa kaarawan ng mabait na Senador at ilan sa mga napansin namin ay sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senador Frank Drilon, Senador Jinggoy Estrada, dating Senador Robert Jaworski, Former Congressman Dodot Jaworski, Batangas City Vice-Governor Mark Leviste, Congressman Mark Cagas, Congressman Joboy Aquino, Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy lll, Jestoni Alarcon, Joko Diaz, Kuya Germ’s, TAPE INC. big boss Malou Fagar, Philip Salvador, Amay Bisaya at ang pinag-uusapan sa ngayon na sina Pasig City Congressman Roman Romulo at Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na namataan namin na very sweet sa isa’t isa at binalitang tuloy na tuloy na ang kasal nila next year.

Bumaha ng pagkain at mamahaling alak sa birthday ni Senador Bong at ang pinaka-espesyal na panauhin ni Senador Bong ay walang iba kundi si Former President Joseph “Erap” Estrada. Ang punong abala naman ay ang lahat ng kapatid ni Senador Bong na kasama si Congresswoman Lani Mercado Revilla. Panay nga ang biro ni Senador Jinggoy kay Senador Bong habang nasa stage na lagi raw sa San Juan lately si Senador Bong.

Sabi naman nito, nag-iisa lang si Lani sa kanyang puso kahit lagi siyang pinaghihinalaan nito. Kinilig ang lahat nang mag-duet ng kanta sina Lani at Bong na halatang-halatang in love pa rin sa isa’t isa kahit lolo’t lola na silang dalawa.

oOo

Ang “Juan For All, All For Juan” sugod bahay sa Barangay hatid sa inyo ng Coke ay tuwang-tuwa naman ang mga nabibisitang mga Barangay nina Wally at Jose, katakot-takot na pera ang pinamimigay nila sa nasabing portion at kapag araw naman ng Sabado, nakatutuwa at nakaaaliw ang Bulagaan. Kaya tutok lagi sa Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply