Lantarang bentahan ng bato (shabu) sa Las Piñas

UMUULAN daw ng ‘tobats’ (shabu) sa tulay na kung tawagin ay R.I.P sa Chesa St., Talon 1, Las Piñas City.

Walang pakialam ang mga tulak dito sa Talon 1 kahit maraming bata ang maapektuhan ng kanilang masamang gawain.

Walang ginagawang aksyon ang mga kinauukulan sa lantarang bentahan ng droga riyan.

Ewan ko ba kung alam o nabalitaan na ni Mayor Nene Aguilar ang talamak na tiyanggian ng shabu diyan sa R.I.P. sa Talon 1.

Abay, marami nang taga-Las Piñas ang natatakot na magpunta sa lugar na ‘yan dahil baka malaman ng kani-kanilang mga anak na lantaran ang bentahan ng ‘bato’ riyan. Aksyon, aksyon, Mayor Aguilar, ang gusto ng mga kababayan ninyo.

Ano ang ginagawa ng inyong kapulisan? Puro na lamang bang ‘tsapipay’, chief of police Supt. Romulo Sapitula ang inaatupag ng mga bata mo?

Basahin ninyo ang nilalaman ng reklamo.

Magandang araw sa iyo, Sir Johnny. Gusto ko lang ireklamo sa iyo ang talamak na bentahan ng shabu rito sa tulay ng kung tawagin ay R.I.P. sa Chesa St., Talon 1, Las Piñas City.

Wala silang pakialam kahit na maraming bata ang na-kakikita. Isang alias Angkoy po ang number one na pusher na pinoprotektahan ng mga pulis ni Supt. Sapitula.

Sana ay mailathala ninyo ito, Sir Johnny, sa inyong kolum. Salamat po.

SAUNA SA PASAY ‘DI MATIBAG NI MEYOR

Hindi pa rin daw natitigil ang pagpapalaganap ng sex-trade sa Lapu-lapu Sauna Bath sa Buendia St., Pasay City dahil sa umano’y pinoproteksyunan daw ng pinsan ni Mayor Antonio Calixto na si Bernabe.

Malaki ang lingguhang ‘tongpats’ ni Bernabe sa sauna parlor na ito.

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply