Lapid takot makipagdebate kay Miriam

NAIS ni Senador Lito Lapid na mag-interpellate sa mainitang pagdedebate sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Subalit, ang problema ni Lapid ay natatakot daw siyang makadebate at matanong ni Senadora Miriam Defensor Santiago dahil baka hindi niya maintindihan ang mga English nito.

Kilala kasi si Santiago sa paggamit ng high fallutin-words na mahirap maunawaan kaya mas gusto raw ni Lapid na si Senadora Pia Cayetano ang makadebate.

Nais niyang malaman kung ang mga sanggol na ipinapanganak na may depekto sa katawan ay dulot ng pills at iba pang contraceptives na nakapaloob sa RH bill.

Handa mang makipagdebate si Lapid, neutral naman daw ang kanyang stand sa naturang panukala pero masusi pa rin niyang tinitimbang ang debate sa plenaryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply