Lapu-Lapu sa Pasay bakit malakas kay Calixto?

TULOY-TULOY pa rin ang operasyon ng sex-trade sa Lapu-lapu Health Palace (dating Magellan Sauna Bath) sa  teritoryo ni Pasay City Mayor Tony Calixto sa Buendia, Pasay City.

Halos hindi man lamang natinag ang sauna parlor ng Fil-Am kahit ilang beses nang inirereklamo  ito dahil sa talamak na nangyayaring sex trade rito.

Araw-araw ay hindi nawawalan ng mga parokyano ang nasabing sauna parlor dahil sa halagang P800 lang ay makaka-sex na ninyo ang sinomang makukursunadahang sauna attendant.

Isang alyas Beth ang tagapamahala ng operasyon ng sauna parlor.

Hindi mapatigil ang operasyon ng sex-trade sa Lapu-Lapu Health Palace dahil si Mayor Calixto  raw ang nasa likod nito.

Walang pinipili ang naturang Lapu-lapu Health Palace.

Mapamatanda o bata basta may P800 na pambayad ang mga ito ay malaya na nilang makaka-sex ang sinomang makukursunadahang sauna attendant.

Samantala, itinatanggi naman ni Mayor Calixto na kanyang pinoproteksyunan  ang operasyon ng Lapu-Lapu Health Palace.

Kung hindi nga pinoproteksyunan ni Mayor Calixto ang talamak na sex-trade sa Lapu-Lapu Health Palace,  bakit pinapayagan niyang mag-operate ito sa nasasakupan niyang lugar?

Ang tanong magkano.. este..paano nakapag-operate ito sa Pasay kung hindi ito pinoproteksyunan?

UNTOUCHABLE NA SUGALAN

Walang tigil ang peryahan na may sugalan ni Badong sa Brgy. San Nicolas, Bulacan, Bulacan. Maging ang peryahan na may sugalan ni Larry na dinarayo pa ng mga kabataan sa Pandi, Bulacan  ay hindi rin mapatigil. Palibhasa walang ipinagmamalaki ang mga peryanteng ito kundi si Gov. Willy Alvarado.

Anomang reklamo o puna itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply