Lasing na nag-dive patay na nang lumutang

LUMUTANG ang katawan ng isang 20-anyos na tindero ng prutas noong Sabado ng umaga, Setyembre 3, sa Manila Bay.

Kinilala ang biktima na si Jonald Vilamar ng Happy Land, Barangay 105, Zone 8 ng Tondo.

Sa ulat ng pulisya, napag-alaman na noong Sabado, dakong alas-3:00 ng umaga ay nagkayayaan ang biktima at tatlo pang kaibigan na mag-inuman malapit sa dagat.

Sa gitna ng kanilang inuman ay nagpaalam sandali si Villamar at nagsimulang tumalon sa dagat na sa kanyng palagay ay makababawas ng kanyang pagkalasing. Umahon umano ang biktima ng tatlong beses. At tumalon muli ng ika-apat. Nang hindi na umahon si Villamar makalipas ang ilang minuto ay nataranta na ang magkakaibigan at humingi na ng tulong sa barangay.

Hindi na nakita ang biktima hanggang lumutang na kusa ang lumobong katawan nito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply