LBC Ronda Pilipinas, sisikad na

SISIKAD na sa Setyembre 24 ang pinakamalaking karera ng bisikleta sa huling dekada na kabibilangan ng mga beteranong siklista at mga bagong sibol na magpipidal na may katumbas na P7-milyon na bubuuin ng 12-stage, 1,650 kilometrong karera na babagtas sa mga pangunahing siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang indibidwal na tatanghaling kampeon ay tatanggap ng P1 milyon tax-free na premyo na katulad na halaga na iuukol sa magkakampeon na team samantalang ang unang 20 na magtatapos sa indibidwal category ay may premyong P500,000 sa second, P250,000 sa third, P125,000 sa fourth at P100,000 sa fifth. Ang pangalawa sa 5th placer sa team competition ay tatanggap ng P500,000, P250,000 sa second, P100,000 sa third at P90,000 sa fourth.

Ang funride ay magbibigay sa mga mahilig sa bisikleta at mga tagasubaybay ng bikathon ng 16-araw na panoorin na magsisimula sa Cagayan de Oro City leg sa Setyembre 24 at magtatapos sa Maynila sa Oktubre 8.

Ang inaugural event na iprinisinta ng LBC Express, Inc., ang pangunahing kompanya ng pagdadala ng mga mahahalagang bagay ay pinasinayahan na sa isang seremonya na pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at ng mga opisyales ng LBC Express na kung saan iniharap nila ang 96 na siklista na hinati-hati sa 16 na team na magpapaligsahan sa team at indibidwal honors.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply