Le Tour de Brunei

NAPANATILI ng 7-Eleven Roadbike Philippine Racing Team ang pang-apat na puwesto matapos ang ikatlong lap sa ginaganap na Le Tour de Brunei 2011 sa Tulong, Brunei Darussalem.

Ang Pinoy rider na si Ericson Obosa na tumapos na pang-25 sa oras na 1:55.36 kapantay ng tiyempo ng mga kasamang sina Ronel Hualda, Mark John Lexer, habang may identical clocking naman sina Irish Valenzuela, Lloyd Lucien Reynante at Tots Oledan na tumawid ng finish line na pang-39, 43 at 49, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Kabilang sa top 20 cyclists sina Hualda (14th), Valenzuela (17th) at Reynante (19th) na kung saan nangunguna sa Stage Run si Mohamed Salleh ng Terangganu Pro-Asia Cycling Team.

Magtatapos ang cycling event sa Sabado na kungsaan inaasahang makakapuwesto ang 7-Eleven Roadbike Philippine Racing Team sa magandang komposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply