Leandro Mendoza igigisa sa P1.15-B DOTC scam

MAY kasabihan na kapag umulan, bumubuhos.

Ganito ang nangyayari ngayon sa dating administrasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos maghain ng panibagong resolusyon si Sen. Antonio Trillanes IV upang imbestigahan ang P1.15-bilyon procurement scam sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ayon kay Trillanes, layunin ng Senate Resolution No. 609 na paimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committtee at Select Oversight committee on Government Procurement ang iregularidad sa pagbili ng oil spill response equipment at lighthouse o aid to navigation (ATON) spare parts para sa Philippine Coast Guard (PCG) noong 2007.

Pinamumunuan ni dating Gen. Leandro Mendoza ang DOTC nang maganap ang katiwalian.

Sinabi ni Trillanes na lubos siyang naalarma sa alegasyon na ang mga naturang pagbili ay labag sa mga patakaran na itinakda sa Republic Act 9184 o mas kilala sa tawag na Government Procurement Reform Act of 2003, at umano’y may sangkot na overpricing, pag-palsipika ng mga dokumento, paggamit ng pekeng bank certifications at maanomalyang bidding process.

“Layunin ng imbestigasyon ay hindi lamang malaman kung ang ginawa ng DOTC ay naaayon sa RA 9184 kundi para na rin makapagpasa ng bagong batas na lalong magpapatibay ng naturang batas at iba pang batas sa bansa,” ayon kay Trillanes

Sa kinukwestyong transaksyon, binigyang-diin ni Trillanes ang alegasyon na ang DOTC ay gumamit ng pasong special allotment release order (SARO) para sa pagbili ng mga kagamitan.

Noong 2007, ang DBM ay naglabas ng tatlong SARO na nagkakahalaga ng P250 milyon, P350 milyon at P400 milyon bilang pondo para sa pag-upgrade at pagsasa-ayos ng iba’t ibang light stations sa bansa at maisakatuparan ang lahat ng kailangan para sa National Oil Spill Contingency Plan (NOSCP) ng PCG.

Sinabi ni Trillanes na inimbitahan ng DOTC ang ilang kumpanya para sa bidding ng spare parts ng ATON para sa mga lighthouse at Marine Environmental Protection Equipment (MEPE) at ibang supply sa ilalim ng NOSCP.

Subalit itinuloy pa rin ng DOTC ang paggamit ng mga SARO sa kabila ng pagiging paso ng mga ito. Hindi hiniling ng ahensya sa Department of Budget ang Management (DBM) na i-extend ang SARO bago itinuloy ang pagbili ng mga kagamitan.

Dagdag pa ni Trillanes, lumalabas na ang ATON spare parts ay binili ng DOTC kahit na walang request at walang kaalaman sa end-user ang PCG.

“Because of all these, hundreds of millions worth of equipment and spare parts are rotting in the DOTC’s stockroom for over a year now. Clearly, those responsible for wasting over a billion of the people’s money should be held accountable.  The money could have gone a long way in enhancing the capabilities of the PCG, if said money was spent properly.  This is clearly unforgivable.  If this is true, this is even bigger than the P728 Million fertilizer scam,” diin ni Trillanes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply