Libreng sakay ikakasa sa transport strike

IKINALUNGKOT man ng Malakanyang ang desisyon ng grupong PISTON na hindi dadalo sa ipinatawag na dialogue ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, siniguro naman na may masasakyan ang mga commuter sa nakabantang tigil-pasada.

Una nang sinabi ni George San Mateo, secretary general ng PISTON, na “in bad faith” ang nasabing dayalogo at dapat mag-uusap na lang pagkatapos ng kanilang transport strike.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pagkakataon na sana ito para maiparating nila sa Pangulo ang kanilang mga hinaing.

Ayon kay Valte, ang grupong PISTON ang humihirit noon ng dialogue sa Pangulo pero sila naman ang umaatras ngayong matutuloy na.

Iginiit naman ni Valte na kawalan ng PISTON ang hindi pagdalo sa meeting.

Tiniyak naman ni Valte na handa ang gobyerno na tulungan ang mga maaapektuhang mananakay kapag matuloy ang tigil-pasada.

Nakipag-ugnayan na umano sila MMDA at nangakong magbibigay ng libreng sakay sa maiipit na pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply