Libreng sakay sa MRT, LRT kaipokrituhan– Bayan Muna

KAIPOKRITUHAN ang pagtuturing ng Bayan Muna Partlyist Group sa libreng sakay na inihandog ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa mga empleyado ng gobyerno ngayong araw bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casiño, ang pinaka-magandang regalo para sa government employees ay ang hindi pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa MRT at LRT.

Ani Casiño, isang “plain and simple hypocrisy” umano ng pamahalaan ang isang araw na libreng sakay para sa mga empleyado ng gobyerno gayong aniya ay desidido naman ang Malakanyang na ipatupad ang dagdag-pasahe sa LRT at MRT.

PAtuloy ring iginigiit ng mambabatas na walang matibay na dahilan upang ipatupad ang fare hike sa MRT at LRT dahil may sapat na subsidiya sa 2011 at 2012 budget bukod pa sa alternatibong revenue generating schemes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply