Libu-libong jobseekers naitala sa e-Registration ng POEA

LIBU-LIBONG job seekers sa Gitnang Luzon na gustong magtrabaho sa ibang bansa ang itinala sa online registry system (e-Registration) ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Isinagawa ang mga naturang pagtatala sa lungsod ng Malolos sa Bulacan at San Fernando sa Pampanga.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) regional information officer Jerry Borja, layunin ng e-Registration ng POEA na idugtong ang active labor supply ng bansa sa kasalukuyang pangangailangang mangaagawa sa ibayong dagat partikular sa South Korea, United Arab Emirates, Japan, at Taiwan.

Ang sistema ay naglalaman ng impormasyon patungkol sa kuwalipikasyon at kakayahan ng mga nakarehistro.

Nakakabit ang e-Registration sa database ng mga banyagang kumpanya at iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Foreign Affairs (DFA), at National Bureau of Investigation (NBI) upang mapabilis ang job hunting and processing at mabawasan ang gastusin ng mga aplikante.

Dagdag pa ni Borja na sa tulong ng e-Registration, magiging madali ang access ng mga naghahanap ng trabaho sa mga oportunidad sa ibang bansa kahit ano pa ang kanilang natapos na kurso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply