Libu-libong pamilya inilikas dahil sa baha sa Maguindanao

TINATAYANG 30,000 pamilya ang nagsilikas bunsod ng pagbaha sa may 13 bayan sa Maguindanao nang umapaw ang Rio Grande De Mindanao, Lake Buluan at Liguasan Marsh dulot na rin ng tatlong araw na matinding pag-ulan at pagbara ng ektarya-ektaryang water lily sa mga ilog.

Dahil dito, suspendido ang klase sa mga paaralan na pinasok din ng baha sa mga bayan ng Buluan, Datu Paglat, SK Pindatun, Mangundadatu, Datu Paglas, Sultan Sabarongis, Rajah Buayan, Datu Odin, Northern Kabuntalan, Montawal, Pagalungan, Mother Kabuntalan, Sultan Kudarat, Talitay at Datu Piang.

Habang milyun-milyong halaga na rin ang nasirang mga pananim, alagang hayop, ari-arian at mga imprastraktura sa nabanggit na mga lugar.

Una nang inihayag ng Pagasa na hindi dapat maliitin ang iba pang weather system sa ibang bahagi ng bansa, dahil magdudulot pa rin ito nang malakas at higit sa normal na buhos ng ulan lalo sa Visayas at Mindanao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply