Libya back to normal na–DFA

NAGBABALIK na sa normal na kondisyon ang bansang Libya matapos bumagsak ang rehimeng Moammar Gadhafi at posibleng magkaroon na ng panibagong gobyerno ang nasabing bansa sa mga susunod na araw o linggo.

Ito ang naging pahayag ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez.

Una nang kinilala ng gobyerno ng Pilipinas pati na rin ng gobyerno nang ilang bansa ang National Transition Council (NTC) bilang bagong kinatawan ng mga Libyan sa mundo.

Ayon kay Hernandez, posible umanong ito na ang dahilan kaya iisang Filipino na lamang ang nagpahayag umano ng kagustuhang sumama sa planong pagsundo ng barko na kinumisyon ng International Organization for Migration (IOM) na maglilikas sa mga dayuhan sa Tripoli.

Samantala, dumating sa bansa kahapon (Setyembre 2) ang ikalawang batch ng mga umuwing OFWs mula sa Libya.

Sa sampung OFW, walo sa mga ito ang medical worker na sumakay sa Emirates Airways.

Kaugnay naman nito, isa sa mga prayoridad ng gobyerno ang repatriation ng apat na Filipina na naninilbihan kay Libyan Lider Moammar Gadhafi sa oras na maisalin na sa NTC ang kapangyarihan nito.

Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, Presidential Adviser for Overseas Filipino Worker Concern,  kay Jenny Rivera, kapatid ng isa sa apat na Pinay na ilalapit ng gobyerno sa NTC ang pagpapauwi kina Diana Rivera at mga kasamahan nito.

Ayon kay Binay, pawang nasa magandang kalagayan ang mga Pinay at pinangangalagaan sa embahada roon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply