Lilipat daw sa TV5 at di na raw energetic mag-host: Megastar biktima na naman ng intriga

SA SOBRANG layo na nang narating ng career ni ‘Nay Sharon Cuneta sa showbiz kung saan binansagan pa siyang Megastar at na-prove naman niya ito sa lahat na deserve niya ang said title dahil may ‘staying power’ ang kanyang karera, kung anu-ano’ng mgaintriga na lang ang kinuklapol sa kanya dahil hanggang ngayon ay “in na in” pa rin ang name niya sa showbiz.

Sa mga nagtatanga-tangahan at ipokrito riyan, si ‘Nay Shawie pa rin ang may hawak ng korona bilang highest paid celebrity product endorser. The truth is walang sinumang kompanya ang nalugi sa pagkuha nila kay Mega dahil lahat ng mga produkto na pinromote nito sa merkado ay bumenta lahat. Kahit nga ‘yung Loving Perfume niya from ZENZEST, kahit na wala itong TV ad ay tinatangkilik pa rin nang husto ng consumers at dalawa na kami ni BFFT Pete sa suki ng pabangong ito ni Nanay Sharon.

Pagdating naman sa mga concert niya abroad, aba’y milyones rin ang kanyang tinatanggap na talent fee at bongga rin ang career nito sa kanyang top-rated reality show sa Kapamilya network na “The Biggest Losser.”

Pero may mga tao talaga hindi masaya sa patuloy na pananagumpay ng Megastar. Kaya, biktima na naman ito ng panibagong intriga kung saan sinulat ng iba riyan na hindi na raw happy sa kanyang career sa ABS-CBN ang sikat na TV host/singer-actress kaya’t wala na raw itong kagana-ganang magtrabaho unlike before na very energetic siyang mag-host ng kanyang show.

Ang tsika pa, plano na rin daw nitong lumipat ng TV5 kaya pumayag ito na mag-phone patch sa show ni Willie Revillame na “Willtime Bigtime.” Ang tanong, totoo ba naman ang lahat ng ito? Well, gabi-gabi naming pinapanood ang Biggest Losser at happy and contented naman ang viewers at kami rin sa hosting ni Mega rito.

Sa aspetong ito, napaka-propesyonal na artista ni ‘Nay Sharon at wala siyang kaarte-arte sa katawan at ginagawa ang lahat ng best niya para mapaganda ang kanyang programa. Tapos, hayan at lalaitin pa siya ni Manang Cristy Fermin and company.

Ang alam namin, existing pa ang contract ni Mega sa Kapamilya network kaya malabo sa katotohanan ‘yung mago-ober da bakod siya sa Singko.

After Biggest Loser, we heard na may bagong show itong iho-host at may gagawin pang movie sa Star Cinema. Hindi kaya insecure lang ang mga mapanirang ito dahil ang ganda-ganda at payat na ni ‘Nay Shawie sa bagong Lucky Me TVC nito?

Tinuod (totoo) gyud!

***

Career ni Sam Pinto blooming na blooming

MALIBAN sa bonggang pagbi-build-up ni Ms. Claire dela Fuente sa alagang si Sam Pinto, malaking tulong o factor para lalo pang maging blooming ang career nito ang kanyang pagkakapanalo bilang No. 1 Sexiest Women ng FHM para sa taong kasalukuyan.

Hindi lang dinadagsa ng offer ngayon sa TV and movies ang nasabing maganda at sexy actress kundi very much in-demand rin siya ngayon sa paggawa ng kaliwa’t-kanang TV commecials.

Hayan at matapos siyang i-renew ng San Mig Light ay isinama naman siya sa bagong TVC ng San Miguel Beer Octoberfest.

Pagkatapos, umi-ere na rin ang kanyang Creamsilk commercial with Heart Evangelista and Toni Gonzaga.

Abangan nyo naman ang actress sa kanyang Smart Telecommunications ad kung saan ang Azkals Philippines Team ang kanyang makakasama rito.

Pabolosa na rin ngayon ang kanyang talent fee per commercial na naglalaro sa P3 million pataas. Sa TV, naman regular itong napapanood sa “Bubble Gang” at ‘Party Pilipinas.”

‘Yung movie nilang Tween Academy: Class of 2012 ay palabas pa rin hanggang ngayon sa SM Cinemas.

Ginagawa naman ni Sam ang action movie na “Sa Ngalan ng Ama” kung saan leading-lady siya rito ni Cesar Montano. Regarding naman doon sa offer sa kanya ng Viva at ni Direk Carlo J. Caparas na magbida siya sa remake ng classic movie ni Hilda Koronel na “Angela Markado,” very excited na ang sikat na talent na ito ni Ms. Claire at willing siya na mag-undergo ng acting workshop para magampanan lang nang husto at mabigyan ng justice ang kanyang role para sa pelikulang ito kung saan tinanghal na Best Actress si Hilda Koronel.

By the way, naging very successful pala ang idinaos na Thanksgiving Party ni Sam para sa kanyang mga fans na galing pa ng iba’t ibang lugar.

Ginanap ito few weeks ago sa sosyal na Claire dela Fuente Resto Bar and Grille sa Macapagal Avenue na pag-aari ng kanyang manager.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply