Lim pabor sa pagrerepaso sa Juvenile Law

PABOR si Manila Mayor Alfredo Lim sa panukalang amyendahan ang Juvenile Law na mas pinababa ang edad ng mga kabataang menor de edad na puwedeng arestuhin at papanagutin sa batas.

Ayon kay Lim, panahon na upang amyendahan ang batas dahil nababalewala ang  trabaho ng kapulisan kung ang mga menor de edad ang nasasangkot sa krimen.

Sa ngayon hindi maaaring kasuhan ang batang nasa 15 anyos, subalit sa panukalang pagbabago ng Juvenile Law ay maaari nang kasuhan ang nasa ganitong edad at hindi naman maaring kasuhan ang nasa edad 12 pababa.

Aniya, kadalasang ginagamit ngayon ng mga sindikato ang mga bata dahil walang criminal liability. Madalas umanong nagagamit ang mga bata at menor de edad sa mga mabibigat na krimen tulad ng drug pushing at pagnanakaw na nauuwi lamang sa paglalagay sa rehabilitation center.

Hindi rin maaaring isama ang mga menor de edad sa mga kulungan kasama ang mga matatandang preso sa paniniwalang posibleng maimpluwensiyahan ng mga preso.

Sinabi pa ni Lim na kilangan nang matapos ang paggamit ng mga sindikato sa mga menor de edad na posibleng kalakihan nila ang nasabing masamang gawain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply