Lim sasabak sa ibang klaseng giyera sa Customs

IBANG giyera ang nakatakdang pasukin ni dating Brig. Gen. Danny Lim sa pa-upo nito bilang bagong deputy customs commissioner for intelligence ng Bureau of Customs.

Sinabi ni Lim sa kanyang unang panayam  sa harapan ng mga mamamahayag sa BOC na siya’y inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III na sugpuin ang korapsiyon at ismagling sa ahensya, paangatin ang koleksyon at huwag maniwala sa mga taong gagamitin ang pangalan ng Pangulo sa pansariling interes kahit pa ito kamag-anak o kaibigan o kasama sa partido.

Ayon sa West Point graduate na si Lim, plano niyang gawing chief of staff ang dating hepe ng Department of National Defense on Military Reforms na si dating Brig. Gen. Reynaldo Ordonez, isang RAM member na nagretiro nitong Hunyo.

Binantaan na rin ni Lim ang mga tiwaling opisyal ng ahensya at mga ismagler maging ang kanilng mga maimpluwensyang backers na huwag umasa ng magandang pakikitungo sa kanya kung magpapatuloy sa kanilng mga tiwaling landas.

Sa isang di-opisyal na kapasidad, tutulong din si dating Navy Capt. Proseso Maligalig kay Lim sa kanyang pagtupad ng tungkulin sa BOC dahil na rin sa karanasan nito ng pamunuan ang Baseco ng 10 taon.

Ayon kay Maligalig, ibang giyera ang Customs dahil dito ay makakabangga ang mga diyos-diyosan na nasa posisyon.

” Hindi mo rin makikita ang kalaban at ang mga sniper dito ay patalikod kung bumira”, ayon pa kay Maligalig.

Si Lim umano ay “incorruptible” at hindi hahayaang masayang ang mga ipinaglaban hanggang makulong sa panahon ni dating Pangulo Cory Aquino at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo laban sa korapsyon sa militar at pamahalaan, dagdag pa ni Maligalig. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply