Line-up ng Shopinas ihahayag na

IPALALABAS na ang kumpletong line-up ng baguhang team ng Philippine Basketball Association (PBA)

bago magbukas ang Philippine Cup sa Oktubre 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Sinimulan na ang mga scrimmages ng Shopinas na pinatnubayan ni coach Franz Pumaren na kung saan lumahok sina Paulo Hubalde at Jojo Duncil na nagbalik mula sa PBA Governors Cup champions Petron Blaze Boosters.

Ang bagong hugot sa 2011 PBA Rookie Draft na sina Marc Caguco at Magi Sison ay nag-ensayo rin pero wala sa initial practice si Lordy Tugade dala ng dinaramdam na pilay sa kamay.

Inaasahang sa mga susunod na ensayo ay dadalo rin si Renren Ritualo na dating top gun ni Pumaren noong tangan nya ang Dela Salle Green Archers. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply