Listahan ng kalsadang ‘di pa madadaanan inilabas ng DPWH

NAGLABAS ng listahan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kalsada na hindi madadaanan dahil sa baha at pinsalang dulot ng bagyong “Pedring.”

Sa Cordillera Region, ang sarado sa motorista ay ang Abra-Kalinga Road sa lalawigan ng Abra. Ang dahilan ay mga bato at gumuhong lupa sa daraanan.

Sa Mountain Province, sarado ang Tiktik at Pingad section sa kahabaan ng Baguio-Bontoc Road; Matoytoyoc Section sa kahabaan ng Mt.Province at Cagayan via Tabuk-Enrile Road; Talubin Section sa kahabaan ng Bontoc-Banaue Road; Calabacan Bridge along Mt.Province-Ilocos Sur Road; at Junction Talubin-Barlig, -Paracelis at -Calaccad Road. Ang dahilan ng pagsasara ay putol na kalsada at mga pagguho ng lupa.

Sa Benguet, sarado ang Shilan-Beckel Road; Buboc Section along Benguet-Nueva Vizcaya Road; Camp 5 & 6 along Kennon Road; Itogon-Dalupirip Road Ambassador Section along Baguio-Bontoc Road; Lamagan Section along Gurel-Bukod-Kabugao-Bugias-Abatan Road na ang dahilan ay pagguho ng lupa.

Sa Kalinga, sarado ang Tabuk Banawe Road via Tanudan-Barlig Road; Malalao Road; Salegseg Section along Kalinga-Abra Road na sarado dahil sa mga madulas na daan at pagguho ng kalupaan.

Sa Apayao, sarado ang Magnas Section along Claveria-Calanasan Road dahil sa mga pagguho.

Sa Ifugao, sarado ang  Burnay Bridge along N. Vizcaya-Ifugao-Mt. Province Road; Babaue-Hungduan – Benguet Boundary Road dahil sa bumagsak na tulay at mga pagguho.

Sa Ilocos Sur, sarado ang  Katkateng Bridge along Cervantes-Quirino Road dahil sa mataas na tubig baha

Sa Cagayan, sarado ang Gagabutan Bridge III along Cagayan-Apayao Road; Maguilling Overflow Bridge along Cagayan-Apayao Road dahil sa napinsalang tulay at mataas na tubig baha.

Sa Isabela, sarado ang  Cabagan Sta Maria Overflow Bridge;Tagaran Bridge along Daang Maharlika dahil sa mataas na lebel ng tubig baha

Sa Nueva Vizcaya, sarado ang Junction National Bitnong Belance sa Nueva Vizcaya Road dahil sa pagguho ng lupa.

Sa Aurora, sarado ang Brgy. Villa along Aurora-Nueva Ecija Road; Baler Casiguran Road;Dinadiawan Bridge dahil sa pagguho at baha sa ibat-ibang bahagi.

Sa Nueva Ecija, sarado ang  Brgy. Putlan- Carranglan along Daang Maharlika; Brgy. Aya at Brgy. San Juan along Pinagpanaan Rizal-Pantabangan Road; Nanduran Spillway and Baong Spillway along Nueva Ecija-Aurora Road;Pantoc -Gabaldon and Brgy Ligaya Section along Tablang-Gabaldon Road dahil sa nasirang tulay at baha.

Sa Bulacan, sarado ang Bocaue Section along Manila North Road; Pandayan Section in Meycauyan Manila North Road dahil sa mga binahang bahagi ng kalsada.

Sa Catanduanes, sarado ang Summit-Viga along Catanduanes Circumferential Road dahil sa pagguho ng putik at lupa.

Sa Albay, sarado ang Panganiran Section and Sitio Miligon Basicao in Pio Duran along Albay West Coast Road dahil sa bahang bahagi ng kalsada.

Ayon sa DPWH, patuloy ang isinasagawang mga clearing at emergency repair works ng mga emergency crew at equipment ng mga regional offices na nakakasakop sa mga nabanggit na lugar. Naglagay na rin ng mga warning signs sa mga kalsadang apektado upang magbigay impormasyon sa mga motorista. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply