Local market nakabawi na sa epekto ni ‘Pedring’

BAHAGYANG nakabawi ang local markets sa gitna ng positibong tugon ng investors sa tulong ng Germany para sa ekonomiya ng Greece.

Ang main-share ng Philippine Stock Exchange index ay lumago ng 154.9 points o 4.16 percent matapos magsara sa 3,876.12 level.

Maalala na noong Lunes ay bumagsak ang merkado ng 4.24 percent.

Pero ayon sa isang stock analyst, bahagya umanong nakatulong ang bagyong Pedring dahil nagkaroon ng pahinga ang merkado matapos isuspende kahapon.

Una nang pinuri ng mga mamumuhunan ang pahayag galing kay Chancellor Angela Merkel ng Germany na tutulungan nila ang Greece para muling mapanumbalik ang kumpiyansa dito ng investors.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply