Lomibao pumalag sa pagkakadawit sa Garcia case

UMALMA si retired PNP chief Director General Arturo Lomibao sa pagkakakaladkad ng pangalan kaugnay sa nakaambang pagbusising muli ng Defense Department sa kaso ni dating AFP Comptroller Gen Carlos Garcia sa sinasabing inaction sa rekomendasyon ng AFP Gneneral Court Marttial.

Ito ay kasabay ng pahayag ng Malakanyang ngayon na wala pang katiyakan  kung aabot kay dating Pangulong Gloria Arroyo paghabol

o pag-iimbestiga hinggil  sa nabinbing pagpapakulong kay Gen. Garcia.

Magugunitang balak na imbestigahan ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND) na posibleng umupo lamang sa sentensya ng Court Martial laban kay Garcia sa pamamagitan ng special defense investigation committee.

Ayon kay Lomibao, natalaga lamang siya sa DND sa loob ng halos tatlong buwan mula Abril hanggang Hunyo 2011 at wala akong nahawakan o nakitang anumang case folder ng Garcia’s conviction kahit pa ang apela nito .

Nadawit ang pangalan ni Lomibao kasama sina dating secretary of national defense  Bert Gonzales at dating DND Undersecretary Sec Arturo  Valenzuela  na umanoy inupuan lamang ang  court-martial conviction ni Garcia.

Ang nasabing hatol ay 2005 pa ibinaba ng Court Martial pero hindi kinumpirma ni Arroyo na noon ay Commander-in-Chief kaya umabot pa hanggang sa 2011 sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Garcia ay nakakulong na ngayon sa New Bilibid Prison.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply