Lovi Poe dapat ‘baklasin’ ang apelyidong dala due to ‘the devil may care attitude’

USO ang pagbabaklas ng mga ‘masasagwang’ billboard, utos ng MMDA but siguro naman, hindi nila ipapabaklas ang apelyidong gamit ni Lovi Poe. Marami na kasi ang nagpapakita ng pagka-disgusto sa imahe ngayon ng aktres na sobra na ang pagkadaring sa ginagampanang papel sa pelikula at napa-‘Hesus Maryosep!’ pa ang iba sa mga seksi pose nito sa billboard.

Magpalit na lang kaya ng apelyido si Lovi dahil sa pagbabago nito ng imahe na malayo sa kanyang imahe noong mahinhin at very soft spoken? Pero ngayon, palaban na siya sa kanyang mga pahayag sa mga interview.

Aba, pinagpipiyestahan ang kanyang pronouncements sa mga dyaryo lalo ‘yung pahayag nitong hindi raw siya marunong magluto pero sa kama, magaling siya.

Shock-to-the-max siguro ang biyuda ng Hari na si Ms. Susan Roces sa napakalaking pagbabago ng anak ng kanyang namayapang asawa. Hindi siguro nito inaakalang isang araw ay babandera si Lovi sa malalaking billboard na bra at panty ang suot. Endorser din siya ng isang beauty clinic na dapat lang ay kaseksihan nito ang nakikita sa billboard kasama na ang tattoo.

Sayang nga lang at inabot ng pagba-ban ng MMDA ang kanyang nagseseksihang billboard dahil tiyak with all her heart and soul, walang kiyemeng kanyang ipapakita ang puwedeng makita sa kanya.

In short, sikat na si Lovi ngayon at malalaking kompanya tulad ng Bench ang nagtiwala sa kanya at huwag isnabin, isang kilalang beauty clinic ang ginawa siyang endorser dahil nakasisiguro sila na makaka-attract ng more clients ang aktres sa kanilang negosyo.

Hence, who’s gonna stop the rain from pouring?

Admittedly, Lovi is now a thing! Siguro kung ngayon ginawa ni Lovi ang kanyang first solo concert years ago sa Music Museum tiyak na dadagsain siya ng manonood. Hindi tulad noong she was a nobody and a neophyte to the concert scene capitalizing only to to the popularity of her late Dad.

Umabot ba ng gold ang kanyang album?

I don’t think so!

Fresh pa sa mind namin ang pagiging celebrity endorser nito ng isang sabon at dahil wala pang nagawang mga pelikula noon ang aktres at hindi pa siya pinararangalan bilang mahusay na aktres ay hindi na siya pinag-renew ng contract. Hindi raw mabenta ang sabon kaya humanap na lang ng kapalit ang kompanyag nagmamay-ari nito. Pero aminin na nagsimulang nagka-‘moment’ ang aktres nang nilakasan nito ang loob na magpaseksi at magpaka-daring sa kanyang role tulad sa pelikulang “My Neighbor’s Wife,” she’s now a hot item!

Like an old adage, “If you have it, flaunt it! And Lovi did it right – oozing with appeal, tall, dark and sexy … errr, lovely!

Isa pang kompanya ang kinawawa siya dahil hindi rin siya pinag-renew ng contract dahil sobrang mahina ang benta ng isang pabango na ipinangalan sa kanya. As in, maraming stock ang nasa bodega at kailangang maibenta kahit on a discounted price para makabawi man lang.

But in fairness, di naman natin masisisi ang kompanya because they mean business.

Sayang nga lang, kung nangyari ito ngayon sa panahong left and right ang kanyang showbiz rakets dahil sa kanyang pagka-in-demand, tiyak na hindi siya bibitiwan ng dalawang nabanggit na kompanya. Ang kulang sa kanila, hindi lang nila na-foresee ang dumarating na kasikatan ng aktres.

Kung ngayon kaya mag-alok ang dalawang kompanya para gawin siyang endorser?  Puwedeng hindi niya ito papatulan dahil mas mamimili siya ng produktong mas mataas ang kalidad o baka naman, puwede rin but if the price is right!

Kanya-kanyang story of success and Lovi has her own tale to tell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply